-- Advertisements --

Nanawagan sina German Chancellor Olaf Scholz at French President Emmanuel Macron kay Russian President Vladimir Putin na agarang ipatupad ang ceasefire sa Ukraine.

Isinagawa ng dalawa ang panawagan ng makausap ng mga ito sa telepono ang Russian President.

Tumagal ang pag-uusap ng 75-minuto kung saan nanawagan ang mga ito ng diplomatic solution sa nasabing kaguluhan.

Sinabi ni German government spokesperson Steffen Hebestreit na ang pag-uusap ay bahagi ng international efforts para matigil na ang giyera sa Ukraine.

Nagkasundo rin ang dalawang panig na hindi na isawalat pa ang ibang mga napag-usapan.

Bago ang pag-uusap kay Putin ay nakausp ni Scholz si Ukrainian President Volodymyr Zelensky at nagpag-usapan ang assessment sa kasalukuyang sitwasyon ganun din ay napagkasunduan ang pagiging close contacts sa isa’t-isa.