-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Germany na sila ay bibili ng 35 na F-35A fighter jets na gawa ng US.
Itinuturing ito ang unang arm purchase na binili sa pamumuno ni Chancellor Olaf Scholz para mapaigting ang kanilang defense spending.
Isinagawa ng German government ang desisyon para maging aktibo ang kanilang European defenses.
Papalitan ng F-35s ang lumang Tornado fighter jets ng Germany.
Ang nasabing fighter jets ay kayang magdala ng nuclear bombs ng US na nakatago sa bansa sakaling may maganap na giyera sa Europa.
Ang nasabing desisyon ng Germany na bumili ng F-35 jets ay para maging compatibel ang air-force ng nasabing bansa at NATO ganun din ang European defense partners.