-- Advertisements --
Binawi ng Germany ang kanilang planong pagpapatupad ng strict lockdown sa nalalapit na Easter Sunday.
Ayon kay German Chancellor Angela Merkel na isang pagkakamali ang nauna nitong anunsiyo.
Kaniya rin aniyang inaako ng buo ang responsibilidad sa pagbawi ng nasabing desisyon.
Magugunitang inaprubahan ng mga regional leaders ang paghihigpit ng restrictions mula Abril 1 hanggang 5 ng sila ay nagpulong noong Nagdaang Lunes.