Inamin ng Saudi Ministry of Foreign Affairs sa Riyadh na hindi pinansin ng Germany ang kanilang pagbibigay babala sa suspek na umararo sa Christmas market sa Magdeburg.
Ayon sa nasabing ahensiya na binigyan na nila ng impormasyon ang German government at maging sa kanilang intelligence agencies subalit hindi nila ito pinansin.
Ang suspek kasi na si Taleb al-Abdulmohsen ay naaresto matapos ang ginawa nitong pagsagasa sa Christmas Market kung saan abala ang mga tao sa pamimili na nagresulta sa 5 katao ang nasawi at mahigit 60 iba pa ang sugatan.
Base sa impormasyon ay nabigyan ng asylum sa Germany noong 2016 si Taleb al-Abdulmohsen at matapos ang 10 taon ay naging residente na siya ng Germany.
Tinalikuran niya ang pagiging Islam at itinuturing niya ang sarili bilang isang bayani sa ginawa niyang pagtalikod.
Mayroon itong ginawang websites na tinutulugan ang mga babae sa Saudi na umalis sa kanilang bansa.
Sa ngayon ay nananatiling nakakulong ang suspek at inaalam pa nila ang pinakamotibo nito sa nasabing insidente.