-- Advertisements --
Hinikayat ng Germany ang Russia na imbestigahan ang magsagawa ng imbestigasyon sa paglason kay Russian opposition leader Alexei Navalny.
Ayon kay Foreign Minister Heiko Maas, na dapat magkaroon ng “constructive” na pakikisama ang mga bansa sa Russia.
Dapat rin gumawa ng paraan ang Russia para malinisan ang pangalan nito sa naganap na paglason kay Navalny.
Magugunitang nasa pagamutan ang 44-anyos na si Navalny matapos na mawalan ng malay dahil sa hinihinalang nilason habang ito ay nasa loob ng eroplano.