-- Advertisements --

Nagpasya ang gobyerno ng Germany na kanliang papabagsakin ang anumang kahina-hinalang drones na makikita lumilipad malapit sa military sites at ibang mga kritikal na imprastraktura.

Sinabi ni Interior Minister Nancy Faeser na mula ng magsimula ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay naging talamak na ang paggamit ng mga drones.

Ang nasabing mga drones ay nagtatangka na pasabugin ang mga paliparan at atakihin ang mga imprastraktura maliban pa sa sirain ang kanilang halalan.

Hindi bababa sa 10 drones ang nakita ng mga kapulisan ng Germany na nakitang lumilipad sa ibabaw ng Manching Air Base malapit sa lungsod ng Ingolstadt.