-- Advertisements --

Ibabalik umano ng Germany ang isang painting na ninakaw ng tropang Nazi sa Florence, Italy noong 1943.

Sa isang pahayag, sinabi ng German government na isasauli nila sa Italy ang painting na “Vase of Flowers” na obra ng Dutch artist na si Jan van Huysum.

Magtutungo din umano sa Florence sa lalong madaling panahon si Foreign Minister Heiko Maas at ang kanyang Italian counterpart na si Enzo Moavero upang ibigay muli ang painting sa Uffizi Gallery.

Nitong taon nang umapela ang gallery director na si Eike Schmidt na ibalik na sa kanila ang obra maestra.

Bahagi ng Pitti Palace collection sa Florence ang oil painting mula 1824 hanggang sa pagputok ng World War II.

Ninakaw ito ng mga German troops at hindi nasilayan ng publiko hanggang matapos ang reunification ng Germany.

Ang nasabing painting ay nasa kamay ng isang pamilya sa Germany. (BBC)