-- Advertisements --
Isinara ng Germany ang kanilang border sa Czech Republic at Austria.
Ang nasabing hakbang ng bansa ay para masawata ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Ilang libong mga kapulisan ang ipinakalat sa mga border para magsagawa ng mahigpit na border checkpoints.
Nakasaad sa nasabing patakaran na tanging mga Germans ang papayagan na pumasok subalit dapat ay mayroon silang maipakitang negatibong resulta ng coronavirus test.
Sinabi ni German Interior Minister Horst Seehofer na ginagawa lamang nila ang paghihigpit para hindi sila malusutan ng bagong variant ng COVID-19.