-- Advertisements --
Mahigpit na magpapatupad ang Germany ng limitasyon ng bilang ng tao at family gathering sa mga lugar na labis na apektado ng coronavirus.
Sinabi ni German Chancellor Angela Merkel, ito ang napagkasunduan ng mga premiers sa 16 na estado ng bansa.
Sa mga nakaraang pagtaas kasi ng COVID-19 infections na karamihan dito ay mga dumalo sa kasal at ilang mga private events.
Dahil dito limitado lamang sa 50 katao ang kanilang papayagan na magsama-sama sa isang event.
Papatawan naman nila ng multang 50 Euros sa mga tao na hindi magbigay ng contact details sa mga restaurant na kanilang kinainan.
Nagbabala rin si Merkel na baka lalong dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa pagdating ng Disyembre dahil sa maraming mga pagtitipon ang magaganap.