-- Advertisements --

Tinanghal na kampeon ang Germany sa 2023 FIBA Basketball World Cup matapos talunin ang Serbia 83-77.

Ito ang unang pagkakataon na magkampeon ang Germany sa FIBA World Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Bumda panalo ng Germany at tinanghal na best player si Dennis Schroder na nagtala ito ng 28 points at dalawang rebounds.

Nag-ambag naman ng 19 points at p itong rebounds si Franz Wagner.

Mayroong walong panalo at walang talo ang Germany sa nasabing torneo.