-- Advertisements --

Nagkampeon ang pambato ng Germany sa 2021 World Cup of Pools na ginanap sa Milton Keynes sa England.

Tinalo kasi nina Joshua Filler at Christoph Reintjes ang pambato ng Great Britains sa pamumuno nina Karl Boyes at Darren Appleton.

Naging maganda ang labanan ng dalawang koponan hanggang sa tuluyang nanaig pambato ng Germany at nakuha ang score na 11-7.

Unang tinalo ng Germany ang mga pambato ng Estonia sa semi-finals ng torneo.