-- Advertisements --

Naglagay ng barkong pandigma ang Germany sa West Philippine Sea (WPS) bilang pagpapalakas ng presensiya sa rehiyon.

Sumama ang Germany sa ilang mga western countries na pinalakas ang presensiya dahil sa pagpapalawak ng China ng teritoryo nito sa lugar.

Nauna ng naglunsad ng regular na pagpapatrolya sa pinag-aagawang isla sa rehiyon.

Magugunitang gumawa ng artificial island ang China sa West Philipine Sea kung saan nagtayo na rin ang mga ito ng mga armas panggiyera.

Bukod sa Germany ay pinalawig ng Britain, France, Japan, Australia at New Zealand ang kanilang presensiya sa WPS para kontrahin ang impluwensiya ng China.