-- Advertisements --
Nagtala ang Germany ng 123,000 na mga refugees mula sa Ukraine.
Ayon kay Germany Foreign Minister Annalena Baerbock, na ang nasabing bilang ay mula ng simula ng Russia ang kanilang pag-aatake sa Ukraine nitong Pebrero 24.
Nakipagtulungan ang Germany sa mga kaalyado nitong mga bansa para maisakay sa eroplano ang mga refugee at madala sa mga lugar na malayo sa Ukraine.
Handa rin nila ng tanggapin sa kanilang bansa ang nasa mahigit 2,500 refugees na kasalukuyang nasa Moldova.
Magugunitang base sa listahan ng United Nation High Commissionero for Refugees na mayroong 2.5 milyon na mga katao na ang lumikas sa Ukraine mul ang umatake ang Russia.