-- Advertisements --
Nagtala ang Germany ng pinakamalaking bilang ng COVID-19 cases sa loob ng isang araw.
Umabot kasi sa 34,000 ang kasong naitala sa loob ng 24 oras na siyang pinakamataas.
Tinawag ng kanilang health minister ang insidente na “massive pandemic of the unavaccinated”.
Mayroon pa kasing mahigit 16 milyon na Germans ang hindi pa natuturukang ng COVID-19 vaccines.
Kahit na mas mababa pa ang bilang ng kaso sa Germany kumpara sa United Kingdom na nagtala ng 41,000 sa isang araw ay nangangamba ang mga health workers doon ng pagkakaroon ng 4th wave.
Itinuturong dahilan ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng kaso dahil sa ginawang pagluwag na ng bansa.
Sa European region lamang ay mayroong 1.4-M nasawi na.