Nangako ang Germany na dagdagan ang suporta nito sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming drone at pagsasanay para sa mga tauhan nito.
Ito ay matapos na makipagpulong si PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan kay German Foreign Minister Annalena Baerbock.
Nagbigay kasi ng courtesy visit si Bearbock sa PCG headquarters upang siyasatin ang dalawang drone at iba pang kagamitang naibigay ng Germany sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Sinabi namann ng tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo na maaaring magdala ang Germany ng halos apat o higit pa na mga drone.
Noong 2022, ibinigay ng Germany ang 2 drones na kasalukuyang ginagamit bilang training drones.
Idinagdag ni Gavan na kapag dumating ang mga karagdagang drone mula sa Germany, maaaring magamit ang mga ito sa kanilang operasyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Gavan na malaki ang ibig sabihin ng suporta ng Germany lalo na sa gitna ng patuloy na pananalakay ng China sa West Philippine Sea.
Gayunpaman, sinabi ni Gavan na walang mga talakayan sa posibleng joint maritime patrol sa pagitan ng Pilipinas at Germany.