-- Advertisements --
Naniniwala si German Defence Minister Boris Pistorious na mayroong nagsabotahe matapos na nagtamo ng damyos ang dalawang undersea cables sa Baltic Sea.
Ang nasabing pahayag ay matapos na ang 1,170 kilometrong haba na telecommunications cable sa pagitan ng Finland at Germany ay nasira.
Habang ang 218 km na internet link sa pagitan ng Lithuania at Gotland Island sa Sweden ay hindi na gumana.
Mula kasi ng magsimula ang labanan ng Russia at Ukraine ay nagkaroon ng ilang serye ng pagkasira ng mga pipelines sa Baltic Sea.
Labis na nababahala dito ang Germany at Finland dahil ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine ay nalalagay sa panganib ang seguridad sa Europa.