-- Advertisements --
Pasok na sa semifinal round ng men’s basketball sa Paris Olympics ang Germany.
Ito ay matapos na talunin ng kasalukuyang FIBA World Cup champion Germany ang Greece 76-63 sa quarterfinals.
Sa first quarter ay agad na umarangkada ang Greece sa pamumuno ni Giannis Antetokounmpo kung saan mayroon agad na 12 points na kalamangan.
Hindi nagpatinag ang Germany at hinigpitan nila ang kanilang depensa kung saan nilimitahan ang lamang ng Greece sa 27 points.
Bumida sa panalo ng Germany si Franz Wagner na nagtala ng 18 points at tatlong assists habang mayroong 13 points at walong assists si Dennis Schroder.
Susunod na makakaharap ng Germany ang sinumang manalo sa pagitan ng France at Canada.