-- Advertisements --

Binalaan ng Germany ang kanilang mga mamamayan na huwag ng bumiyahe sa mga bansa gaya ng France, Austria, Denmark at Czech Republic dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kailangan din ang mga magtutungo sa Germany na makapagpakita sila ng negative test results ng mga COVID-19.

Kailangan din aniya sila na sumailalim sa quarantine ng 10 araw at ito ay mapapababa kapag nagnegatibo sila sa test sa loob ng limang araw.

Plano rin ng Germany na gawing mandatory ang lahat ng mga nagtutungo sa ibang bansa na hindi kasama sa listahan na magpakita ng negatibong test result bago sila pasakayin sa eroplano.