-- Advertisements --

Inanunsiyo ni German Chancellor Angela Merkel na kanilang luluwagan na ang lockdown sa kanilang bansa dahil sa pagbaba na ng kaso ng coronavirus.

Sinabi ni Merkel na mananatil pa rin ang social distancing hanggang Mayo 3.

Dapat rin aniya na magsuot ang mga tao ng face masks sa pampublikong lugar at sa mga pamilihan.

Magsisimula na ring papasok ang mga bata sa paaralan simula Mayo 4.

Pinayagan na ring magbukas ang mga maliliit na negosyo sa nasabing bansa.