Inanunsiyo ng German Defense Ministry na pumayag ang Germany na maghatid ng mga anti-aircraft tank sa Ukraine.
Isang hakbang na binibigyang-diin ang malaking pagbabago sa diskarte nito sa pagbibigay ng tulong militar sa Ukraine.
Ang pangako na ihatid ang mga sistema ng anti-aircraft systems ng Gepard ay inihayag ni defense minister Christine Lambrecht sa isang pulong ng mga opisyal ng international defense officials na isinagawa sa “Ramstein US Air Force base” sa Germany .
Ito ay makasaysayan dahil ito ang unang pagkakataon na sumang-ayon ang Germany na magbigay ng ganitong uri ng mabibigat na armas sa Ukraine habang nilalabanan nito ang pagsalakay ng Russia.
Napag-alaman na ang Gepard systems ay na-phase out na mula sa active duty sa Germany noong taong 2010.
Noong una ay nilabanan ng Germany ang mga panawagan na magbigay ng armas sa Kyiv, sumasang-ayon lamang ito na magbigay ng humanitarian help at medical equipment.
Ang pamamaraang iyon ay naaayon sa patakaran ng Germany na may ilang dekada nang hindi pagbibigay ng mga lethal weapons sa crisis zone.