-- Advertisements --

LA UNION – Sinimulan na ng mga fish vendor ng San Fernando City public market ang mag-angkat ng isdang galunggong sa La Union.

Ayon kay Flora Mae Rillorta, mula dating P120 umaabot na ngayon ng P300 ang presyo ng isang kilo ng galunggong.

Masuwerte naman sila na nakapag-angkat ng nasabing isda sa Dagupan City, lalawigan ng Pangasinan.

Aniya, kahit pa mahal ang presyo ng galunggong ay patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga mamimili.

Samantala, sa patuloy na paglilibot ng Bombo News team sa mga pamilihan napansin na walang mabibiling galunggong kung saan kahit ang mga nagtitinapa ay nagkakasya na lamang sa mga isdang bangus at tamban bilang alternatibo sa GG.

Dagdag pa nito, stable pa naman sa ngayon ang presyo ng tilapia at bangus na mabibili sa halagang P130-P180 depende sa laki nito.

Isa ang isdang GG sa pinakapangunahing tinatangkilik ng publiko na ulam sa hapag dahil sa naiibang lasa nito kung ihahambing sa iba.