-- Advertisements --
Kinalampag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang pamahalaan para imbestigahan ang napaulat na “ghost” kidney dialysis treatment na binabayaran ng PhilHealth.
Nakasaad sa investigative report ng isang pahayagan na patuloy ang paghingi ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp (WellMed) sa Quezon City sa PhilHealth ng dialysis payments kahit pa pumanaw na ang kanilang mga pasiyente.
Ayon kay Zarate, dapat silipin ng pamahalaan ang issue na ito sa lalong madaling panahon.
Sinabi ng kongresista na marami ang namamatay dahil hindi nila kaya ang mataas na bayarin para sa dialysis treatments.
Sa kabila nito, nagagawa pa rin daw nakawan sila ng ilang mapagsamantalang negosyo.