-- Advertisements --

Natagpuan ng mga otoridad ang pitong bangkay sa loob ng isang bangka na inanod sa baybayin sa Sado, Japan, isang isla sa naturang bansa.

Sa pamamagitan ng masinsinang paghahanap ng law enforcement ay natuklasan din ng mga ito ang dalawang pugot na ulo sa loob ng bangka.

Tinatayang ang bangka ay may haba na aabot sa 7.6 meters (24.9 feet), may lawak na 4.3 meters (14 feet) at may taas naman ito na 2 meters (6.5 feet).

Pinaniniwalaan na galing North Korea ang naturang ghost ship dahil na rin sa mga nakitang Korean numbers at letters na nakapinta gamit ang pulang pintura.

Ang mga ghost ships umano tulad nito ay malagim na kinahihinatnan ng mga bangka dahil sa malakas na ihip ng hangin sa karagatan ng Japan.

Karamihan din daw ng mga sakay nito ay hindi sapat ang naging kahandaan upang maglakbay sa dagat.