-- Advertisements --

Engaged na ang anak nina Senator Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado na si Gianna Revilla sa long-time boyfirend nito na si Jed Patricio.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Gianna ang masayang pangyayari sa kaniyang buhay.

Isinabay kasi ng kaniyang nobyo sa loob ng 9 na taon ang proposal nitong Disyembre 25.

Itinuring ni Gianna na isang magandang regalo ito na kaniyang natanggap ngayong taon.

Ang actress ay naging mainstay ng youth oriented program ng 7 noong 2012.

Labis naman ang kasiyahan ng mag-asawang Bong at Lani dahil sa pagtahak na ng panibagong yugto ng 25-anyos na anak nila.

Ipinagdarasal na lamang nila aniya ang kaligtasan ng dalawa.