-- Advertisements --

Lumakas pa raw ang motibasyon ng Milawukee Bucks superstar Giannis Antetokounmpo dahil sa impormasyon na pinaghahandaan siya ng husto ng Phoenix Suns sa Game 4 bukas.

Hangad kasi ng Suns na maharang si Giannis na patuloy na nananalasa at walang makitang pantapat sa tinaguriang Greek freak.

Para naman kay Giannis inaasahan na niya ang gagawing pagpapatibay pa sa pader na pangdepensa ng Phoenix laban sa kanya.

Ayon kay Giannis, meron naman siyang mga trainer at coaches na tinutulungan siya upang mapaganda pa ang kanyang all around game at maiwasan ang matibay na depensa na ilalatag sa kanya.

Bukas ng alas-9:00 ng umaga ang Game 4 doon pa rin sa Milwaukee kung saan abanse pa rin sa serye ang Phoenix Suns, 2-1.

“There’s a team that’s building the wall of three people and two guys behind and trying to stop you,” ani Giannis. “Now you have to not take it personal and make the right play find the right guy.”