-- Advertisements --

Binuhat ni Giannis Antetokounmpo ang Milwaukee Bucks para talunin ang Boston Celtics 117-113 sa kanilang Christmas Day showdown.

Umabot sa 19 points ang hinabol ng Bucks bago tuluyang mabaligtad at magwagi sa laban.

Hawak kasi ng Celtics ang kalamangan 62-47 sa halftime at nabaligtad ito ng Bucks 94-90 sa pagtatapos ng third quarter.

Nakapagtala ng 36 points ay 12 rebounds ang 2-time most valuable player.

Nagdagdag naman ng tig-17 points sina Khris Middleton at Jrue Holiday habang mayroong 16 points at 10 rebounds si Bobby Portis.