-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro dahil sa injury sa natitirang mga laro ng regular season si Giannis Antetokounmpo.

Ayon sa Milwaukee Bucks na kinailangan magpagaling ng 29-anyos mula sa kaniyang injury.

Sumailalim na rin ito sa MRI scan kung saan kumpirmadong strain sa kaniyang kaliwang calf.

Patuloy ang pagsasailalim sa gamutan at evaluation.

Nasa pangalawang puwesto ang Bucks sa Eastern Conference kung saan mayroon silang 48 panalo at 31 talo.