-- Advertisements --

Itinanghal si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo bilang Defensive Player of the Year ng NBA.

Nakatanggap si Antetokounmpo ng 75 first-place votes mula sa panel ng 100 sportswriters at broadcasters, at nagtapos na may 432 points sa isinagawang balloting.

Pumangalawa sa botohan si power forward Anthony Davis ng Los Angeles Lakers (200 points; 14 first-place votes), habang nasa ikatlong puwesto naman si Utah Jazz center Rudy Gobert (187 points; six first-place votes).

Si Gobert ang may tangan ng naturang award sa nakalipas na dalawang seasons ng liga.

Kasama na rin si Antetokounmpo sa grupo nina Michael Jordan, Hakeem Olajuwon, David Robinson at Kevin Garnett na mga players na kapwa itinanghal na MVP at Defensive Player of the Year.

Nitong nakalipas na taon nang mag-runner up lamang si Antetokounmpo sa defensive award.

Siya rin ang unang Bucks player na kinoronahang Defensive Player of the Year mula pa kay Sidney Moncrief, na nakuha ang award noong 1982-83 at 1983-84 seasons.