-- Advertisements --
NBA MVP
Finalists for the MVP award for the 2018-19 NBA season

Inanunsiyo ngayon ng NBA ang mga pinagpipilian para tanghaling Most Valuable Player (MVP) para sa 2018-2019 season.

Muling nakapasok ang reigning MVP na si James Harden na nanguna sa liga na may average na 36.1 points per game, habang pasok din sa top three sina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Paul George mula sa Oklahoma City Thunder.

Sa ngayon tanging si Antetokounmpo na lamang ang naglalaro matapos na pumasok ang team sa postseason kung saan ang Bucks ang league-leader na may best record na 60-22 win-loss.

Si Giannis ay nasa third place sa scoring (27.1 points) at sixth sa rebounds (12.5) at nasa 10th place sa blocked shots (1.5) bawat game.

Habang si George ang lider sa steals (2.2) at may average sa points na 28.0 per game, sa rebounds naman ay nasa 8.2 at assists na may tig-4.1 bawat laro.

Napasama rin sina Antetokounmpo at George bilang finalists sa Defensive Player of the Year kabilang ang winner noong nakaraang taon na si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Nilinaw ng NBA na ang mga finalists sa anim na kategorya ay pinagbasehan ang voting results ng global panel of print and television media bago ginanap ang Game 2 sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Bucks at Raptors.

Narito pa ang listahan ng mga finalists:

  • LA Clippers teammates Lou Williams at Montrezl Harrell kasama si Indiana Pacers’ Domantas Sabonis para sa Sixth Man
  • Luka Doncic ng Dallas Mavericks at nakasabayan sa draft trade partner na si Trae Young ng Atlanta Hawks, pati na sina Phoenix Suns No. 1 pick Deandre Ayton na mag-aagawan sa Rookie of the Year
  • Sa Coach of the Year, ang finalists ay sina Denver Nuggets’ Mike Malone at dalawang dati na ring former Coach of the Year winners na si Mike Budenholzer ng Bucks at Doc Rivers ng Clippers’
  • Sa kabilang dako nag-aagawan naman sina Raptors’ Pascal Siakam at De’Aaron Fox ng Sacramento Kings at D’Angelo Russell mula sa Brooklyn Nets para sa Most Improved Player

Magaganap ang NBA annual awards show sa June 24 sa Los Angeles kung saan ang magiging host ay ang basketball legend na si Shaquille O’Neal.