-- Advertisements --

Nakuha ng Milwaukee Bucks ang dikdikang panalo kontra sa Chicago Bulls sa nagpapatuloy na season ng NBA.

Kumamada si Bucks superstar Giannis Anteto­kounmpo ng 32 points, 12 rebounds at 6 assists para maitakas ang Bucks sa 133-129 overtime win kontra sa Chicago Bulls.

Nagbuhos naman sina Brook Lopez at Malik Beasley ng tig-19 points habang may 17 markers si Bobby Portis para sa Milwaukee.

Habang sa panig naman ng Bulls ay nagpakawala si DeMar DeRozan ng 41 points at 11 assists at may 33 mar­kers si Coby White para sa Chicago.

Sa ngayon may kartadang 16-7 win loss record ang Bucks na sa kasalukuyan ay nasa ikatlong puwesto habang bumagsak naman ika-labing dalawa ang bulls na may kartadang 9-16 win loss record.