-- Advertisements --
Hindi naitago ni Bucks Giannis Antetokounmpo ang labis na panghihinayang nang talunin sila sa double overtime ng Toronto Raptors, 118-112.
Sa naturang laro ay nagtala lamang siya ng 12 points at walong turnover.
Aminado si Giannis na hindi ganon kadali ang serye.
Pero ikinalungkot nito ang pangyayari na dalawang steps na lamang sana ay pasok na sila sa finals.
Sa ngayon iba na ang diskarte na ginagawa ng Greek superstar at pinag-aaralan na ng husto ang kanyang mga sablay na nagawa sa Game 3.
Kabilang sa kanyang tinitingnang mabuti ang ay naitala niyang game stats.
Ang Game 4 ay sa Miyerkules at sa teritoryo muli ito ng Raptors gagawin.
“We could’ve been up 3-0,” ani Antetokounmpo. “We didn’t play well… I never expected this series to be easy.”