Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.
Nagtapos ang serye sa 4-2.
Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks na huling nangyari ay noon pang taong 1971 sa panahon ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.
Mula sa first quarter ay hindi na nagpabaya ang Bucks at agad nilang tinambakan ang kalaban.
Pagsapit ng 2nd quarter ay humabol ang Suns at nalimitahan nila ang Bucks sa kakarampot na 13 puntos lamang.
Pagsapit ng third ay bumawi ang Bucks at nagtabla ang score sa 77 sa pagtapos ng quarter.
Ang two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nagpakita ng pinakamatindi at historic peformance nang magbuhos ng 50 points.
Sa first half pa lamang ay tumipon na siya ng 33 points.
Binansagang mala-halimaw ang ipinakita ni Giannis nang magpasok ng 16 sa field goals mula sa 25 attemps, sa free throw isa lamang ang sumably gamit ang 16-of-17, liban pa sa meron siyang 14 rebounds at five blocks sa 42 minitues na paglalaro.
“People told me I can’t make free throws,” ani Giannis. “I made my free throws tonight and I’m a freakin’ champion!”
Kaya naman para sa lahat, hands down siyang winner o unanimous bilang finals MVP.
Bagamat medyo inalat sina Khris Middleton na nagpakita ng 17 puntos at si Jrue Holiday ay may 12, binibit naman nila si Giannis.
Sa panig ng Suns, nasayang ang diskarte nina Chris Paul at may 26 points at si Devin Booker ay nagtapos sa 19 points.
Samantala, batay naman sa NBA history si Antetokounmpo ang unang foreign-born Finals MVP mula nang mapili rin si Dirk Nowitzki noong taong 2011.
Napasama na ngayon si Giannis sa grupo ni Michael Jordan bilang taong players na nanalo ng NBA MVP, Finals MVP, All-Star Game MVP at Defensive Player of the Year sa kanilang career.
Ang pagkakaiba ngayon niya kay Jordan, si Antetokounmpo ay nakuha ang apat na prestihiyosong awards sa loob lamang ng dalawang seasons.