Nagwagi ang malahiganting schnauzer breed na aso sa Westminster Kennel Club dog show.
Ang nasabing aso na pinangalanang si Monty ay nangibabaw sa 2,500 na mga aso at siya ang unang unang giant schnauzer na nakakuha ng pinakamataas na titulo sa pinakasikat na dog show ng US.
Labis naman ang kasiyahan at pagmamalaki ng amo nito na si Katie Bernardin sa panalo ng alaga sa show na ginanap sa Madison Square Garden sa New York City.
Ang dog clug ay siyang pinakamatandang dog show na nasa ika-149 na taon.
Nakuha nito ang Working Group category subalit bigo sa overall prize ang limang-taong gulang na lalaking si Monty.
Pinili ng isang judge nasi Paula Nykiel bilang Best inShow dahil sa nanguna ito sa mga preliminary events sa tatlong-araw na kompetisyon.
Noong nakaraang taon ay panalo ang miniature poodle bilang best in Show.