-- Advertisements --
Isinama ng Oxford English Dictionary ang Tagalog na salitang “Gigil”.
Ayon sa Oxford Englist Dictionary na kabilang ang nasabing salita sa “untranslatable” words o mga salitang walang katumbas sa English.
Ang ‘Gigil” sa Tagalog ay isang pakiramdam na kapag nakakakita ng kakaiba o mga magagandang bagay.
Hindi mapipigilan ang isang taong ‘gigil’ na makagat ang labi o makurot ang sinuman o mga bagay na labis na nagbibigay ng ligaya.
Ilan sa mga salitang Pinoy na nakasama sa listahan ang ay “Salakot” at “Videoke”.
Kasama rin sa listahan ang salitang “Alamak” na ang ibig sabihin ay pagkabigla sa mga taga Singapore at Malaysia.
Karamihan din sa mga nasamang bagong salita na galing sa Malaysia at Singapore ay mga pagkain.