-- Advertisements --
Bam Adebayo
Bam Adeya (from @MiamiHEAT

)Gigil na gigil na umano ang big man ng Miami Heat na si Bam Adebayo na makabalik na rin sa paglalaro bukas sa Game 4 ng NBA Finals.

Ginawa ng All-Star center ang pahayag matapos na ma-upgrade ang kanyang status sa “questionable.”

Una nang dumanas ng injury sina Adebayo at Dragic na kapwa mga starters ng Miami sa laban kontra Los Angeles Lakers.

Inamin naman ni Adebayo, todo ang kanyang pagmamadali na agad na gumaling siya sa injury sa leeg, liban pa ito sa shoulder injury.

Pero naiintindihan daw niya ang assessment ng kanilang team doctor upang mailagay siya sa kaligtasan.

“I’m trying to get back as quickly as possible,” ani Adebayo.

Para naman kay Dragic, nanghihiyang siya dahil wala siyang magawa habang nakikipaghamok sa loob ng court ang kanyang teammates sa grupo nina LeBron James at Anthony Davis.

“I’m dealing with a lot of pain,”malungkot pang pahayag ni Dragic. “I don’t want to be a liability on the floor for my team.”

Aminado rin naman ang head coach ng Miami na si Filipino American Erik Spoelstra, kinukulit daw siya nina Adebayo at Dragic na ipasok na sana sila sa games.