-- Advertisements --

Binatikos ni Makati City Mayor Abby Binay ang umano’y advertising campaign na pumalit sa street sign na Gil Puyat Avenue sa “Gil Tulog”.

Kumuha kasi ito ng samutsaring reaksyon mula sa mga netizens.

Ayon sa alkalde, hindi nakarating sa kanyang opisina ang naturang campaign proposal na palitan ang street sign Gil Puyat Avenue.

Aniya , kung nakarating ito sakanya ay kaagad niya itong ibabasura.

Dapat ay naging maingat aniya ang mga opisyal ng lungsod na nagbigay ng permit at dapat ay sinuri itong mabuti.

Bilang respeto na rin sa pamilya at sa alaala ni dating Senate President Gil Puyat.

Humingi naman ng paumanhin ang alkalse sa publiko sa kaguluhang naidulot nito maging sa pamilya ng yumaong senador.