-- Advertisements --
Malaki ang tiwala ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na magtatagumpay ang pambato ng bansa para sa FIBA 3×3.
Sasabak kasi sa FIBA Olympic Qualifying Tournament ang Gilas Pilipinas 3×3 na gaganapin sa Graz, Austria.
Binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, CJ Perez at Mo Tautuaa ang Gilas 3×3 sa pamumuno naman ng kanilang coach na si Ronnie Magsanoc.
Unang makakaharap ng Gilas 3×3 ang Qatar at Slovenia sa Mayo 26 habang makakaharap ang Dominican Republic at France sa Mayo 28 mula sa Group C.
Ang top 2 teams ng bawat group ay abanse na quarterfinals at ang tatlong podium finishers ay tiyak na ang paglalaro sa Tokyo Olympics.