-- Advertisements --
Nagtapos na ang kampanya ng Gilas 3×3 team ng talunin sila ng Qatar 21-18 sa FIBA 3×3 Asia Cup sa laro na ginanap sa Singapore.
Ito na ang pangalawang sunod na pagkatalo ng national basketball team ng bansa dahil unang tinalo sil ang Iran 14-11.
Naitabla pa ng Gilas sa all-18 ang laro kontra Qatar subalit hindi nila nakayanan ang bilis ng Qatari team.
Nagtala lamang ng 9 points si Almond Vosotros habang mayroong 5 points si Samboy De Leon.