Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.
Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.
Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria para sa Tokyo Olympic qualifier na magsisimula sa Mayo 26 hanggang 30.
Balak naman ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na patagalin pa ang training depende pa rin sa mga pagbabago.
Pinangungunahan nina San Miguel Beermen CJ Perez at Mo Tautuaa ang ang 3×3 squad kasama sina Joshua Munzon ng Terafirma, Alvin Pasaol ng Meralco habang magiging alternatives naman sina Rain or Shine Santi Santillan at Karl Dehesa.
Nasa bracket C ang Pilipinas kasama ang France, Slovenia, Qatar at Dominican Republic.
Target ng Gilas 3×3 na maging unang basketball team ng Pilipinas sa loob ng 50 taon na makapag-qualify sa Olympics.
Huling nakasali kasi ang Philippine basketball team ay noong 1972 Olympics na ginanap sa Munich, Germany kung saan pinangunahan noon nina William ‘Bogs’ Adornado, Jimmy Mariano, Freddie Webb at maraming iba pa.
Ito ang unang pagkakataon na makasama sa Olympics ang 3×3 basketball at tatlo lamang sa 20 bansa na sasali sa qualifiers ang mapapasak sa Tokyo Olympics.