-- Advertisements --

Naging masaklap ang kinahinatnan ng Gilas Pilipinas 3×3 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Austria dahil walang naipanalong laro ang mga ito.

Sa huling laban nila ay binigo sila ng France 15-14.

Bago ang pagharap sa France ay nilampaso sila ng Dominican Republic 22-11 sa mga dalawang laro na ginanap nitong Biyernes.

Magugunitang noong Miyerkules ay hindi nagtagumpay ang Gilas 3×3 sa kamay ng Qatar at Slovenia.

Ito ang unang beses na ang basketball team ng bansa na walang nakuhang panalo sa international 3×3 competition.