-- Advertisements --
Gilas Pilipinas
Gilas Pilipinas

Hinihintay ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang ilang mga manlalaro para makumpleto na kaniyang koponan sa patuloy na paghahanda para sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa katapusan ng buwan.

Sinabi ni Guiao, na hindi pa kasi natatapos ang PBA Commissioners Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beermen at TNT KaTropa.

Kabilang pa kasi sa Gilas player si Beermen June Mar Fajardo habang dalawa naman sa Katropa na sina Roger Pogoy at Troy Rosario.

Kapag natapos na aniya ang laro ng dalawang koponan ng hanggang Linggo ay magdadagdag sila ng oras ng paglalaro para makabisado nina Fajardo, Pogoy at Rosairo ang bawat isa’t-isa.

Magugunitang isang panalo na lamang ang kailangan ng Beermen para makuha ang kampeonato dahil hawak nila ang 3-2 advantage sa best-of-seven finals nila ng TNT.