-- Advertisements --
Mas paiigtingin pa ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang paghahanda para sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Sinabi ito ni Guiao dahil na rin sa kulang ang kaniyang manlalaro dahil sa kasalukuyang isinasagawa ang PBA Commissioner semifinals.
Tiniyak naman aniya sa kaniya ng mga PBA players na sila ay makikibahagi pa rin sa ensayo.
Nauna rito sinabi Guiao na simula sa susunod na Linggo ay aaraw-arawin na nila ang pag-eensayo bilang paghahanda sa nasabing prestihiyosong torneyo na magsisimula sa susunod na buwan.