-- Advertisements --

Inami ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na nawalan na ito ng pag-asa na manalo pa sila laban sa China kanilang semifinal games ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Mula kasi sa unang quarter ay hindi nakalamang ang Gilas Pilipinas subalit sinabi ng beteranong coach na nakita niyang hindi nawawalan ng pag-asa ang kaniyang mga manlalaro.

Nakita ang pagpupursige ni Justin Brownlee kung saan sa natitirang 20 segundo ng laro ay doon gumana ang kaniyang three-point shooting.

Pinuri ni Cone si Brownlee dahil sa pagiging isang clutch player ganun din ang mga manlalaro nito dahil sa hindi nila pinabayaan na matalo pa sila.

Agad naman silang magsasagawa ng ensayo ngayong araw para paghandaan ang muling paghaharap nila ng Jordan sa Finals.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay tinalo ng Jordan ang Gilas Pilipinas 87-62 sa Group C ng Asian Games.