Inako na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang nakakabiglang pagkatalo nila sa Chinese Taipei sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Sinabi nito na dapat ay talagang pinaghandaan nilang mabuti ang nasabing laro.
Ito ang unang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Chinese Taipei mula noong 2013.
Giit nito na maraming mga pagkakamaling nagawa ang Gilas at walang dapat na sisihin sa pagkatalo nila kung hindi ang coach.
Magugunitang tinalo ng Chinese Taipei ang Gilas Pilipinas 91-84 sa kanilang paghaharap nitong gabi ng Huwebes.
Ilan sa mga maituturing na susi ng panalo ng Chinese Taipei ay ang dalawang naturalized player nila na sina Mohammad Al Bachir Gadiaga at Brandon Gilbeck .
Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Gilas sa Group B kung saan makakaharap nila ang New Zealand sa araw ng Linggo at ang mananalo dito ay tatanghaling group winners.