-- Advertisements --

Hindi maitago ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kaniyang pagkadismaya matapos ang pagkatalo nila friendly game kontra Poland sa score na 82-80.

Ito na ang pangalawang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa tune up games bago ang pagsisimula ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 2-7.

Dagdag pa nito na naging maluwag lamang ang kanilang depensa kaya ganun na lamang nakalusot ang Poland.

Magugunitang unang tinalo sila ng Turkey 84-73.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas sa FIBA OQT ang Latvia at Georgia.