Ngayon pa lamang ay may mga plano na si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone para sa nalalapit na FIBA Asia Cup Qualifiers sa buwan ng Nobyembre.
Kahit na maaga pa ay inilatag na ni Cone ang ilang mga plano para magwagi ang ika-37th ranked na Gilas.
Sa nasabing laban na gaganapin sa Pilipinas ay makakaharap nila ang ranked 21 na New Zealand at pagkatapos noon ay ang laban din sa Hong Kong.
Dagdag pa ni Cone na kapag malapit na ang Nobyembre ay doon na lamang sila magkakaroon ng puspusan na ensayo.
Aminado ito na kahit hindi malalaking koponan ang mga New Zealand ay mayroong silang mga 6-8, 6-9 na forwards at ang mga guards naman ay may tangkad na 6-5 at 6-6 na kayang gumalaw sa buong court.
Sa loob din ng siyam na taon ay hindi pa nagwawagi ang Gilas kung saan pawang mga tambak ang lamang ng New Zealand.
Nais din nito na maging full-time assistant coach na ng Gilas si Sean Chambers na kaniyang hiniram mula sa Far Eastern University.