-- Advertisements --

Handang makipagsabayan ang Gilas Pilipinas sa mga mas beterano at malalakas na koponan sa para sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.

Isa dito si SJ Belangel na siyang pinakabata at pinakamaliit na manlalaro ng Gilas na may taas lamang na 5’10”.

Sinabi naman ni coach Tab Baldwin na hindi ito nababahala kahit na puro mga bata ang isasabak niya ngayo laban sa ilang koponan gaya ng Serbia na mayroong NBA players.

Ilan sa mga manlalaro ng Serbia ay sina Miami Heat forward Nemanja Bjelica and Dallas Mavericks center Boban Marjanovic.

Makakaharap ng Gilas ang Serbia sa Hulyo 1 habang ang Hulyo 2 naman ang Dominican Republic.