Binigo ng Adelaide 36ers ang Gilas Pilipinas 85-75 sa ginanap na tune-up games bilang paghahanda sa FIBA Wold Cup.
Nakabawi ang Adelaide sa pagkatalo nila sa Gilas sa unang exhibition game noong Biyernes.
Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng 36ers sa third quarter.
Nabawasan ng Gilas ang kalamangan ng Australian team sa pagtutulungan nina Andray Blatche at Paul Lee.
Sa unang pagkakataon naglaro na rin sa high level game si Kiefer Ravea matapos ang suspension sa kanya ng FIBA.
Liban kay Blatche na may 16 points, tanging si Ravena lamang ang nagtala ng double figures na 11 para sa locals upang mapabilib din ang coaching staff sa kanyang pagbabalik.
Scores:
Gilas Pilipinas (75) – Blatche 16, Ravena 11, Barroca 8, Perez 8, Fajardo 7, Bolick 6, Almazan 6, Pogoy 5, Norwood 4, Lee 2, Aguilar 2, Rosario 0
Quarterscores: 29-13, 44-30, 67-48, 85-75.