-- Advertisements --
Nangako ang Philippine men’s basketball team na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para paghandaan ang koponan ng Thailand sa second window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Bahrain.
Ayon kay Gilas head coach Jong Uichico, bagama’t kulang ang kanilang panahon para makapagsanay, pipilitin daw nilang pagkasyahin ang natitira pa nilang oras upang makapaghanda.
Tiwala din aniya ito sa kakayanan ng mga Pinoy cagers, kahit na may ilan na unang beses pa lamang sasabak sa isang international competition.
Dalawang beses nilang haharapin ang Thailand, na mangyayari sa Nobyembre 27 at 30.