-- Advertisements --

Sa nakalipas umanong na isang dekada lumalabas na liyamado ang national team Gilas Pilipinas sa head to head match up sa national team ng Japan.

Lumalabas kasi na anim na beses ng tinalo ng Pilipinas ang Japan sa huling mga laro noon.

Pero noong panahon ‘yon meron dating NBA player ang Pilipinas at naturalized na si Andray Blatche.

Mamayang gabi kasi ay napakahalaga ng laro ng Gilas kontra Japan dahil sa ito ay knockout game.

Sinuman ang matalo sa quarterfinals ng 2022 Fiba Asia Cup ay tanggal na sa kompetisyon.

Ang Japan ay meron player na naglalaro dati sa NBA.

Sa ngayon ang Japan ay nasa ikalawang pwesto sa Group C matapos na talunin ng top seed na Iran.

Habang ang Pilipinas nitong nakalipas na Linggo ay tinambakan naman ng New Zealand.

Sa kabila nito pasok na rin ang dalawang koponan sa Fiba World Cup sa susunod na taon kung saan kabilang sa host ay ang Pilipinas.